Saturday, October 18, 2008

sa bulwagang hemisphere



asong buto't balat, isang makipot na kalye patungo sa dakong paroon, sinag na sinag ang bakas ng pluma na pinaglumaan at pinag pasapasahan pa sa panahong diktador.

katorseng tao sa jeep, kasabay na umalis ngunit ang katorseng iyon ay tila ba parang dahon na nalagas at tinangay na ng hangin sa direksyong di mawari ng isip, isip na pilit nag iisip.
ito ang jeep, ang jeep na umandar at bumyahe ng punuan ngunit sa bandang huli handa kang iwan at talikuran kung saka sakali mang kailangang bumaba at tahakin ang pansariling lansangan.


sa jeep magisang naiwan kasama ng driver at ng kunduktor na nakasabit pa sa reha ng bubungan mga mata'y may bahid ng katangunan at kung makatitig ay para bang wala ng bukas, bukas para mag hayag, bukas para lumantad pinipigilan ngunit ayaw mag pa pigil.


ako ay bumaba at pumara sa lumang bahay sa kanto ng kalyeng hemisphere, pumasok sa lumang bahay na walang sino mang nag mamay ari, walang ibang laman ang bahay kundi ang isang larawan tila ba napag iwanan na ng panahon, sa apat na sulok ng bahay may nagagalit, may nalulungkot, may nag aalinlangan may umiiyak at may umaalpas...


ako ang larawan na naroon sa bahay.

at ikaw.
ikaw ang buong bahay.
sila ang pasahero sa jeep...

No comments: