mahirap intindihin ang ibang tao, oo.
pero mas mahirap yung pinipilit mong intindihin ibang tao pero ang sarili mo di mo maintindihan.
the world would never understand me, The world is too big to care, and I'm not a celebrity, I don't, won't and can't blame the world, because the world don't owe me shit.
(feels better writing it, feels even better living it out)
change topic
sweldo nanaman, sweldo tapos trabaho, trabaho para sumweldo, tapos ganon lang ng ganon. sweldo para magbayad ng upa o renta sa bahay, sweldo para kumain, sweldo para bumili ng stuff, sweldo para sa ganito sa ganyan... sweldo para may pang gas, pang yosi, pang ewan at kung ano ano pa, alam mo pag minsan iniisip ko, kelan kaya ako tatantanan ng salitang "para" at "pang", astig rin talaga ang impluwensya ng media at ng ad, solid ang approach to create a need "para" magamit ang pera "para" sa mga dapat at minsan "para" sa mga di naman talaga dapat, "para" sa wala lang, at "para" may mabili lang at "para" may masabi lang.... "pang" kain "pang" libre "pang" pamilya "pang" tuition, para,. para,para. pang, pang, pang. sana magamit ko naman ang salitang para sa ibang paraan, yung parang "para!" yung sinasabi pag gusto mong huminto ang jeep, tapos yung "pang" naman, siguro dun sa part na para may pang laan sa mga bagay bagay na may kabuluhan, ano ano itong mga bagay na 'to? dude, di ko rin masasagot yan kasi iba iba tayo ng trip... kung gagawa ako litanya ng mga makabuluhan para saakin eh sayo di naman pala....mas magiging walang saysay...
sige ito isa pa
O tapos stuck up na ako masyado sa natutunan ko nung college, na masyado kong dinibdib at inapply lahat ng natutunan ko masaya oo masaya kasi i know something you don't hehe pero badtrip lang yung stuck up... "ayoko mag trabaho" "ayoko maging part ng corporate shit" "ayoko maging part ng sistema"...... tingnan mo tong taong 'to, pinag bubuntis ka palang ng nanay mo at pagka panganak sayo parte ka na ng sistema gago!
puro ka reklamo, di ka na nakuntento, puro excuses naririning ko sa bunganga mo sa araw araw na ginawa ni kuya JC chong... stuck up. oo stuck up nga, gusto mo bang maging kagaya nya o sadyang tulad karin nya?
o tapos kailangan ko pa ba mag quote? nah.
at ito pa
last weekend kasama ko si charade estacio, nag skate kami, tinuruan nya ako mag ollie, di ko pa nga buo, shove it naman daw. sabi ko teka cha, ollie muna, okay di sige ollie ollie muna ako, ang hirap palang gawin non, so nung una di ko pa napapa talon yung board, siguro mga ilang oras kong kinukuha yung momentum biglang nag pop yung board, putik! walang kasing saya, kumapit sa paa ko yung deck sabay na buo ko yung ollie, kaso badshot kasi isang beses lang nangyari yun, i tried doing it again, wala failed. pero ayos lang saakin ang ma fail, kasi pwede parin subukan at ituwid ang mga pagkakamali na nagawa kahapon....
si sayote powers
malalim ang sayote, bakat na bakat ang sayote...
minsan, yung akala mong malalim at liberal ay kabalikataran, yung mga di mo inaakalang malalim at liberal yun pa tunay. ano ang aral dito? mag isip ka, matalino ka naman kamo diba?
at ikaw, at sa mga kagaya mo,.kala ko ba ayaw mong mag trabaho at maging parte ng sistema? eh bakit ngayon underground kang humihingi ng tulong para makahanap ng trabaho? kala ko ba ayaw mo ng corporate shit eh bakit ngayon inaako mo na kailangan mo ang corporasyon para mabuhay ka? mayaman ka naman kamo diba? malalim ka naman kamo diba?
kasama ng pagmamaliit ng kagaya mo sa mga taong lumabas ng probinsya at tumungo sa maynila para mag hanap buhay ng matino, para sa mga taong hindi takot na isuka sila ng bulok na idealismong galing sa mga taong wala namang napapatunayan pa, para sa mga taong hindi takot humarap at ibala ang mga sarili nila sa lupit ng guerra sa pag hanap ng sarili at mamuhay ng mag isa.... malaki ang respeto ko sainyo...
at dahil jan
mahal ko ang sayote powers...